Lunes, Pebrero 27, 2017

El Felibusterismo: Kabanata 16

El Filibusterismo






Kabanata 16: Ang mga kapighatian ng isang Intsik


Si Quiroga, isang negosyanteng Intsik na nangangarap na maging konsul ng tsino sa pilipinas,naghandog siya ng isang piging. Dinaluhan ito ng mga tanyag na panauhin, mga kilalang mangangalakal, mga prayle, mga militar, mga kawani ng pamahalaan na pinamumunuan ni gayun din ang kanilang mga suki.
Dumating si Simoun at hinanap ang tatlong brilyanteng pulseras nag kakahalaga ng siyam na libong piso, sinabi nitong nalulugi siya. Inalok ni Simoun na bawasan ng dalawang libong piso ang utang ni Quiroga kung papayag ang intsik na itago sa kanilang bodega ang mga armas na dumating.

Hindi raw dapat mangamba ang Intsik, sapagkat ang mga baril ay unti-unting ililipat sa ibang bahay na pagkatapos ay gagawan ng pagsisiyasat at marami ang mabibilango. Siya ay lalakad sa mga mapipiit upang kumita. Napilitang sumang-ayon si Quiroga. Ang pangkat ni Don Custodio ay nag-uusap tungkol sa komisyong ipapadala sa Japan para pag-aralan ang paggawa ng Kamiseta para sa mga sundalo. Sa pulutong ng mga pari, ay pinag-uusapan nila ay tungkol sa ulong nakita sa may perya sa Quiapo na pinamamahalaan ni Mr. Leeds.-- walang kwentang babasahin.



Maihahalintulad ko ang sitwasyon o storya sa kabanatang ito ay unang-una ang mga intsik na naninirahan dito sa Pilipinas. Matagal na antin silang nakaksama sa ating mga bansa at kilala sila sa tawag bilang "Tsinoy". Tila nga na makokonsiderang parte na sila ng ating bansa. Kulturang pinoy at kultura nila ay tuluyan ng nagkaisa. Ang unang kapighatian na aking maihahalintulad ay ang kapighatian ng dalawang kampo tungkol sa pinag-aagawang lupa sa West Philippine Sea. Hanggang ngayon hindi parin nasosolba ang isyu tungkol dito ngunit nagkakaroon na nadin na man ng pag-uusap saggayon ay lalong magkaintindihan ang dalawang kampo. Ang pangalawa naman ay ang pagkakasangkot ng maraming tsino sa iba't ibang illegal na mga gawain kagaya nalang ng nabasa natin sa kabanatang ito patungkol sa mga illegal na armas. Kung napansin niyo ang mga nakaraang balita, marami ng tsinong nakulong sa PIlipinas dahil nahuling nagbebenta at nag aangkat ng shabu galaing s aTsina papunta dito sa atin bansa, At ang iba naman ay may patungkol sa mga illegal na negosyo kagaya ng illegal casino. Ngunit hindi lahat ng tsino ay may ganitong hangarin, maraming may mabubuting puso na katulad din natin na may pagmamahal sa bayan natin na kahit hindi kanilnag sariling bayan ay binibigyan ng respeto at halaga.


Reperensiya/Sanggunian:

(Buod) https://tl.m.wikibooks.org/wiki/El_Filibusterismo/Kabanata_16_:_Ang_Kasawian_ng_Isang_Intsik


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento